PANOORIN! Matanda na biktima ng budol-budol gang, nakunan ng video

Usap-usapan ngayon ang isang video na nakunan ang pagkabudol-budol ng isang matandang babae sa social media network na Facebook.


Sa nasabing video, pilit pinapababa ni Rafael Bitara, anak ng biktima at siyang nakakuha ng video ang 74 anyos na si Elena Bitara mula sa kinasasakyang van na di umanong sasakyan ng mga suspect.

Kwento ni Elena, may lumapit sa kanya na babae sa labas ng isang mall sa Legazpi City, Albay na nagsabing may mga libre siyang food supplement.

Maliban sa babae, may isa ring dayuhan na nagpakilalang mayaman ang lumapit sa kanya upang humgi ng tulong para makabili ng mga gamit sa bahay.

Binigay ni Elena ang pin code ng kanyang dalawang ATM cards.

Ayon sa kanya, nakumbinsi rin siyang sumakay ng tricycle upang makauwi sa bahay para kumuha pa ng dagdag na pera habang naka sunod ang van na kinasasakyan ng mga suspect.

“Ang kalahati ibibigay ko pa sayo,” saysay ni Elena.

Nalimas ang 2500 na laman ng kanyang ATM pero swerteng hindi niya nabigay ang 15000 na nakuha nyang pera sa kanilang bahay.

Nakunan sa video na ang van ay may plate number na KLV 947. Ayon sa LTO, nakumpirma ito na pag-aari ng isang taga Cagayan de oro City.

Sa kasalukuyan, kinasuhan na ang mga may-ari ng sasakyan ng swindling at estafa.

Watch The Video:

Source: ABS-CBN News