PANOORIN! DOJ Secretary Aguirre pabirong nagbigay ng sermon sa misis dahil sa isang pagkakamali

Marahil sa iba, napakaseryoso ang tingin kay Department of Justice Secretary Vitalliano Aguirre dahil sa napakabigat na responsibilidad ang dala niya, subalit marami ang hindi nakakaalam sa ibang katauha niya.


Isang video na nagpapatunay na siya ay tumatawa pa rin sa kabila ng kanyang mga gawain ang kumakalat ngayon sa social media platform Facebook.

Sa nasabing video, ginawang cellphone ni Aguirre ang kanyang hawak na microphone sa kasagsagan ng isang press con. Nakunan ng press ang pagkakamali ni secretary habang may tumatawag sa kanya.

Sa isang pahayag, napag-alaman na ang kanyang misis ang tumatawag at pabirong nag bigay ng sermon.

"Tawag ka ng tawag, pinagtatawanan tuloy ako dito," pabirong sabi ng kalihim.

Panoorin ang video!

Source: News5