Video ng babaeng binobosohan ng taxi driver, viral sa social media

Usap-usapan ngayon sa social media platform, Facebook ang kumakalat na video ng isang taxi driver na binobosohan pasimple ang kanyang pasaherong babae habang siya ay nagmamaneho.


Na upload ang nasabing video sa mismong Facebook profile ng biktima na si Benilda Santos Macabante na isinalaysay kung paano ang pangyayari.

Sa caption ng video, kwinento ni Macabante na sumakay siya sa taxi mula Valenzuela papuntang trabaho dahil hinahabol niya ang kanyang time in.

“Hndi ko alam kung pano sisimulan. First time kase sa buong buhay ko mangyare to at sobrang nakakatakot lag nandun kana pala talaga sa sitwasyon na yun.  Sobrang nakakaiyak.   6am sa BB Marulas valenzuela ako sumakay ng taxi kase late nako sa work. Tapos syempre nag me make up ako ok nman ang lahat hanggang sa napansin ko na lumilingon sya sken. Dedma ko nung una , hanggang dko sinasdyang napindot cam sa messenger tas nakita ko gumagalaw kamay nya ng mabilis , kinabahan nako pero nilakasan ko loob ko na makuhaan sya ng video. ABH 1419 plate # nya,” salaysay ni Macabante.

Dagdag pa niya na gusto niya sanang komprontahin ang driver subalit takot na takot siya.

Binayaran na lang daw niya ng 130php ang driver kahit 110php na lamang daw ang singil ditto.

Nagbigay ng payo si Macabante sa mga sumasakay ng PUV lalo na sa mga kababaihan na sila ay mag ingat.

Panoorin ang video!