PANOORIN: Paano nakapasok ang mga Maute sa Marawi

Ano nga kaya ang pakay ng Maute group sa kanilang pag-atake sa Marawi City?

Image from Bombo Radyo



Nakihalubilo at nangaral muna sa mga resident ang mga miyembro ng Maute TerroristGroup bago sila umatake sa Marawi City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakunan sa isang video ang pakikipag-usap ng mga miyembro nito  samga taga-Marawi dahil di pa noon batid ng mga tao ang lagim na planong ihasik ng grupo.

Sa video na kuha sa Barangay Marinaut noong unang araw ng Marawi siege, makikita ang ilang residenteng nakatititg lang sa mga lalaking naka-itim, habang ang iba ay tuloy lang sa pagbaybay sa lugar.

Sa kuha namang video noong Mayo 24 ng residenteng kinilala lamang na "Faridah", makikita ang ilang miyembro ng Maute group na naghihintay sa silong ng isang bahay.

Ayon kay Faridah, nagtanong siya sa mga Maute kung bakit may gulo. Sagot naman ng grupo, hindi dapat pinapayagan ang sugal at iba pang bisyo sa isang Islamic City gaya ng Marawi.

Paglalahad pani Faridah na tinanong ng kanyang kapitbahay ang grupo kung ano nang nais makamit ng Maute. Tugon daw ng miyembro ng Maute, gusto nilang isabuhay ang Islam.

Mga bata pa at mukhang anak mayaman ang mga miyembro ng Maute Group. Dagdag paniya na nagbabasa sila ng Quran sa kalsada habang minsa'y itinututok ang malalaki nilang armas at matapang silang magsalita.

Pinagsabihan din daw ng Maute ang isa sa mga kaibigan ni Faridah dahil sa pagiging bading.

Makalipas ang kalahating oras, lumikas na sina Faridah at mga kapitbahay niya sa takot.

Panoorin Ang Video:

Source: ABS-CBN News