VIRAL NOW: Lalaking pasahero sa jeep tinulungan ang mag-ina para mapagamot ang anak na may sakit

Usap-usapan ngayon sa social media ang kwento ng isang lalaki na tinulungan ang isang ale para mapagamot ang kanyang anak na may sakit.


Sa isang Facebook post ng netizen na nagngangalang Aifah Mc AL, ibinahagi niya kung paano natulungan ng lalaki and di kakilalang mag ina sa loob ng jeep.

Kwento ng netizen, pasakay siya ng jeep at napansin niya ang isang ina na karga-karga ang anak na babae na tila may malubhang sakit at uuwi na raw sila ng Balamban, kasama ang asawa nito at isa pang anak na batang lalaki.

"Tapos nun, merong isang pasahero na nagtanong sa ina kung ano ang nangyari sa anak niya. Nagtatae pala yung bata kaya matamlay. Hindi daw nila mapagamot dahil wala silang pera. Itong si kuya, hindi nakatiis tignan yung bata, binigyan niya ng pera ang ina para deretso na ma-admit yung bata sa ospital," kwento ng netizen.

Ayon pa rin sa netizen, ang mabuting lalaki ay nagbigay rin ng pamasahe para sa taxi dahil sa traffic at mainit.

"Naiyak talaga yung ina dahil sa sobrang tuwa. I've noticed na meron agad tinawagan yung lalaki. Based on their convo, parang tauhan ng ospital ang kausap niya dahil narinig ko ang sabi niya, merong pasyenteng papunta diyan, nakasakay sila ng taxi. Paki-abangan at asikaso naman sila," dagdag ng kwento ng netizen.

Dahil sa kwentong ito, naging viral ang larawan ng kuyang mganda ang kalooban at naka-ani ng magandang komento galing sa mga netizens na nakakita.

Ayon kay Aifah, masaya siya dahil hindi pa rin nawawalan ang mudno ng mga tao na may magandang puso.

Basahin ang buong kwento:



Saludo ako sa kuyang ito na nakasakayan ko sa 01k kanina papuntang Colon. Habang nasa jeep kami, merong ina na karga karga ang kanyang anak na babae around 8-10yrs old ata, at merong dalang bagahe. Uuwi daw sila ng Balamban. Kasama niya ang kanyang asawa at isa pang anak(boy). Pagod na pagod na talaga yung bata (girl) to the point na malubha na talaga kondisyon niya . (I wasn't able to take a photo of that child dahil nasa likod  sila ng driver, then malapit ako sa entrance ng jeep). Tapos nun meron isang pasahero na nagtanong sa ina kung ano ang nangyari sa anak niya. Nagtatae pala yung bata kaya matamlay. Hindi daw nila talaga mapagamot dahil wala silang pera. Itong si kuya, hindi na nakatiis tignan yung bata, binigyan niya ng pera ang ina para deretso na ma-admit yung bata sa hospital dahil hindi na talaga kaya ng bata. Nagbigay din siya ng pang taxi dahil traffic, tsaka mainit. Naiyak talaga yung ina sa sobrang tuwa. I've noticed na meron agad tinawagan yung lalaki. Based on their convo, parang tauhan ng hospital ang kausap niya dahil narinig ko na sinabi niya "merong pasyente papunta diyan, nakasakay sila ng taxi. Paki-abangan at asikaso naman sa kanila".

Natutuwa ako dahil meron pa palang ganitong tao. Sana lahat ng tao katulad ni kuya. God bless you and your fam, sir.

P.S. I'm sorry for secretly taking this pic., but I think, someone like you deserves a post. Salute.

Source: Facebook